501

Jul 8, 2019 @ 20:21
By

Kim Domingo time out muna sa love life

Mag-iisang buwan na mula nang maghiwalay si Kim Domingo at boyfriend niyang si Mike Acuna, hindi pa handa ang una na makipagrelasyong muli.

Aniya, kahit may umaaligid na mga manliligaw sa kanya, gusto niya munang magpokus sa kanyang bagong project sa GMA, ang afternoon horror psychological drama series na “Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko”.

“Gusto ko po muna mag-focus sa trabaho, lalo na dito siyempre ‘yong magiging twist ng character ko malaki so kailangan ko paghandaan at mag-focus po ako,” saad ni Kim.

Makakasama ni Kim sa “Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko” sina Kris Bernal, Megan Young, Rayver Cruz, Boots Anson-Roa, Francine Prieto, Sharmaine Arnaiz at Beverly Salviejo.

Ipapalabas ito sa July 22 pagkatapos ng “Eat Bulaga”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?