300

Dec 21, 2017 @ 19:19
By

Kim Domingo naghasik ng kamandag sa Dubai

Hanggang Dubai, umabot na ang kamandag ng Asia’s Sexy Fantasy na si Kim Domingo. Maraming kalalakihan nga ang pansamantalang nawala ang uhaw dahil sa kagandahan, kaseksihan ni Kim, sa show na Kim and Queen in Dubai.

Ito nga ang first international show ni Kim, kaya sobrang overwhelmed siya sa support ng mga Pinoy roon. Kunsabagay, the moment na nabalitaan ng mga Pinoy sa Dubai na magsu-show siya roon, sangkatutak na ang nag-chat, nag-message kay Kim, na excited na silang makasama ito.

Eh, knowing Kim, na mahusay mag-entertain, at samahan mo pa ng komedyante na ka-tandem, si Kim Idol, riot talaga ang eksena.

Bumida rin si Kim sa Breaking Barriers event doon, na two-day photography clinic with master lensman Raymund Isaac, na ginanap naman sa Burjuman Tower. At dito nga muling inilantad ni Kim ang voluptuous figure and natural beauty niya na hindi retoke.

“Very happy ako dahil sobrang daming Pinoy na nanood sa show namin. First time ko sa Dubai at na-experience ko na rin kung paano mag-show abroad with the help of GMA Pinoy TV. Thank you sa lahat ng mga Kapuso abroad at sana ma-meet ko ulit kayo soon,” sabi pa ni Kim.

Ang FilHub Events Management with the exclusive media sponsorship of GMA’s flagship international channel, GMA Pinoy TV ang responsible sa Dubai show na ‘yon ni Kim.

Si Kim ay napapanood pa rin sa ‘Super Ma’am’ with Marian Rivera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?