1,002
Kim Domingo awat sa paseksi
May 2, 2019 @ 15:44
By

Kim Domingo awat sa paseksi

Iiwas na ang Kapuso actress na si Kim Domingo sa mga sexy role sa TV series maging sa mga pelikula.

Ito ay dahil gusto na umano ng aktres ang makilala sa more serious roles kaysa maging tatak ang pagpapaseksi.

Saad ni Kim, “Oo, sinabi ko na rin naman po sa management na kung hanggang saan na lang yung kaya ko. Kahit sa Bubble Gang, kasi ang Bubble Gang, siyempre kailangan talaga dun, pa-sexy ka,”

Aniya handa na din umano siya na mabawasan ng project dahil sa pagpili na lumiban sa mga sexy roles.

“Kumbaga, ni-ready ko na rin yung sarili ko na, sabi ko, ‘Dumating man yung panahon na yung unti nang mawawala at the end, naging masaya ako sa desisyon ko,” ani ng aktres.

“Yun ang importante na masaya ka sa ginagawa mo, masaya ka sa buhay mo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?