139

By

Kim Chui cover girl ng Village Pipol December issue

Usap-usapan ang paglabas ng December issue ng Village Pipol magazine kung saan cover girl ang Chinita Princess na si Kim Chiu.

Tampok sa naturang issue ang mga pananaw ni Kim Chiu sa pagkamit ng tagumpay.

Para kay Kim Chiu ang tagumpay ay produkto ng determinasyon at pagsisikap.

Natuwa rin ang mga fan nang alalahanin ng mga ito na nagsimula lamang na mangarap noon ang aktres sa bahay ni ‘kuya’ ng Pinoy Big Brother, at ngayon ay host na ito sa bagong edisyon ng naturang programa.

Binalikan din sa naturang magazine ang kwento kung paano naging Baldog Queen si Kim Chiu sa social media.

Tinawanan na lamang ng aktres ang nangyaring pagkakahulog sa tatlong magkakaibang routine sa kaniyang performance sa ASAP.

Ibinahagi din ni Kim kung paanong naging inspirasyon ang kaniyang pamilya upang maabot niya ang anumang naabot niya sa kaniyang karera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?