46

By

Kim Chiu super kilig kay Steph Curry

Sharing is caring!



Super fan girl ang tsinitang aktres sa sikat na National Basketball Association (NBA) player na si Stephen Curry.

Si Curry ay nasa team ng Golden State Warriors kung saan sila ang nag-champion sa nakaraang NBA game kalaban ang Cleveland Cavaliers, ang dating koponan ni LeBron James.
Dumating nu’ng Sept. 7 si Curry para mag-promote ng ini-endorso niyang sapatos.

Guest din siya sa opening ng UAAP (University Athletic Association of the Philippines) na ginanap sa Mall of Asia (MOA) Arena.
Excited ang Kapamilya actress sa pagdating ng sikat na basketbolista. Kaya lang, umaga pa lang, dahil walang tiket ay panay ang emote sa kanyang social media account.
Nag-post siya kung saan nakasuot ng GSW T-shirt. May caption ito na: “That feeling na happy ka kasi nasa Manila si Steph Curry pero wala ka naman ticket so hanggang TSHIRT ka lang!!!
Mabuti na lang may mabuting kalooban na nagbigay kay Kim ng tiket kaya hindi siya nabigong makita at maka-selfie ang kanyang idol.
Post pa ni Kim, “O..M…G to the nth level!!!!!!!#StephenCurry in the HOUSE!!!!!! @stephencurry30 #ngitingtagumpay.
Pinasalamatan niya si Bernard Cloma na nagbigay sa kanya ng tiket.
Na-meet pa niya ang family ng sikat na NBA player. “Grabe roller coaster fan girl experience!!! Love his family!! Hi @ayeshacurry thank you again and again @bcloma love you soo much!!! #stephencurryinmanila #sc30asiatour.”
Ang daming pictures na kuha si Kim with Curry at pinasalamatan din niya si Gretchen Ho na naging personal photographer niya nu’ng araw na ‘yun.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?