116

Aug 24, 2021 @ 20:24
By

Kim Chiu sobrang nag-alala sa Bahay ni Kuya

Nag-alala si Kim Chiu sa “Pinoy Big Brother” (PBB) house sa Quezon City matapos niyang bumisita rito.

Sa Instagram, isang larawan ang ibinahagi ni Kim kung saan makikitang may takip na ang harapan ng sikat na Bahay ni Kuya at may nakasulat na numero 10.

“Okay WAIT!!!!! alam ko sabi ko bawal lumabas, pero bakit parang bawal na rin pumasok sa bahay mo Kuya??? tinakpan tapos ngayon may #10???” sambit ni Kim.

“Dati tinanong mo ko kung may nahanap na ba akong friends, mga Peng You sa loob ng bahay mo and super thankful ako kasi more than that pa yung binigay mo sakin, nakahanap ako ng family kaya I hope everything’s okay Kuya!” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?