224

May 9, 2020 @ 20:19
By

Kim Chiu naguluhan din sa sarili

Hindi tinatantanan ng mga basher si Kim Chiu.

Ito’y matapos ang pagkumpara niya sa ABS-CBN shutdown sa batas sa classroom na hindi maintindihan ng maraming netizen.

Viral ang opinyon niya sa FB Live event na “Laban, Kapamilya!” kung saan marami ang nagsabing walang sense ang kanyang sinabi ukol sa ABS-CBN shutdown.

“Sa classroom may batas. Bawal lumabas oh bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal lumabas pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ‘yung law ng classroom niyo at sinubmit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas,” sambit ng Kapamilya actress.

Kaya naman nag-tweet si Kim na maging siya ay naguluhan sa sinabi niya.

“Pati din ako!!!!” sabi niya na nilagyan niya ng nakadilang emoji.


(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?