259

Dec 21, 2017 @ 16:05
By

Kim Chiu nagpaligaya ng mga Aeta sa Pampanga

Ang mga kababayan natin na mga Aeta sa Pampanga ang napili ni Kim Chiu na paligayahin ngayong Pasko. Kilala si Kim na matulungin kahit na noong bago-bago pa lang siya sa showbiz.

At ngayon ngang sikat na, maraming datung, mas nilalawakan pa niya ang pagtulong sa kapwa.

“People say you give love; you receive love in return and that’s the best gift in the world. Cheers to 2017,” sabi ni Kim.

Nagpasalamat din si Kim sa mga tumulong sa kanya para maging matagumpay ang project niyang ito.

“I just want to say thank you for supporting my bazaar for a cause last weekend. Kahit hindi kasya sa inyo bumili pa rin kayo. Eto na po siya ang dami niyo pong napasaya ngayong Pasko. Sana ma-share ko sa inyo yung saya nila kanina nung natanggap nila ang mga regalo. Maraming-maraming salamat. Much love and gratitude,” sabi pa rin ni Kim.

May pakiusap lang si Kim sa bashers, na sana ay huwag na lang lagyan ng kulay, o bigyan ng malisya ang pagpu-post niya sa pagtulong na ginawa nila.

“Maligayang Pasko sa inyong lahat. PS: I posted this so that they’ll know where the money went, not for my own sake. For those saying some stuff, kung hindi ka bumili quiet ka na lang. It’s Christmas stop na muna sa negativity,” saad pa ni Kim.

Well, marami nga ang sumang-ayon kay Kim, at nagsabi na ituloy lang niya ang pagtulong, at huwag intindihin ang bashers. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?