21

Jan 10, 2022 @ 21:31
By

Kim Chiu nagpaalala sa mga follower: #BawalLumabas bahay muna

Umapela si Kim Chiu sa kanyang mga follower na manatili na lamang sa loob ng bahay lalo na kung hindi naman kailangang lumabas sa gitna ng pagsirit ng COVID-19 nationwide.

Sabi ng aktres sa Instagram post, ilang kaibigan at mahal niya sa buhay ang tinamaan ng Omicron variant ng COVID-19.

“How’s your first week of 2022??? For me, some of my friends, loved ones are infected by #omicron. I hope and pray that this will be the beginning of the end. keep safe everyone #BawalLumabas bahay muna, pahinga from all the parties and vacation that we had,” saad ni Kim.

Pinayuhan din niya ang mga follower na uminom ng vitamins at mag-isolate na kaagad kapag may mga sintomas para hindi makahawa.

“Take this time to reflect, reset, eat healthy, exercise, drink your vitamins and plan for the rest of the days of 2022. If you have any of the symptoms please isolate na kaagad para di mahawa yung mga kasama nyo sa bahay. More than anything we really have to be responsible. kaya natin to.
take care everyone!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?