288

Nov 18, 2021 @ 20:23
By

Kim Chiu may love letter sa face shield

May madamdaming sulat si Kim Chiu para sa kanyang face shield na halos dalawang taon daw niyang “nakarelasyon”.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres ang kanyang face shield appreciation post.

Naglagay din siya ng litrato ng iba’t ibang itsura niya habang suot ang kanyang face shield.

“Salamat sa lahat ng pinagsamahan natin, almost two years din tayong mag-ON, masaya ako na dumating ka sa buhay ko kahit minsan naiinis nako sayo pero wala akong narinig na reklamo mula sayo,” saad ni Kim.

“Salamat sa pag protekta sakin sa mga bagay na kinakatakutan ko. Ikaw pa nga ang unang humaharap. Masaya ako na nakilala kita face to face. Mamimiss kita, pero I think its about time to let go!!!! Ingat ka ha?? Wag kana balik. Salamat nalang sa lahat. Move on na tayo!” dagdag niya.

Noong Lunes inihayag ng Malacañang na puwede nang hindi magsuot ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 2 kabilang ang Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?