134

Nov 8, 2021 @ 14:32
By

Kim Chiu lagpas 1 taon bago napa-oo ni Xian

Binuking ni Kim Chiu na umabot ng lagpas isang taon bago niya sinagot ang nobyo na si Xian Lim dahil ayaw niyang makipaglaro sa kanyang nararamdaman.

“One-and-a-half years [niya akong niligawan]. Siyempre para sure. Ayaw ko namang makipaglaro sa feelings ko,” kwento ni Kim sa vlog ni Xian.

Ayon naman sa aktor, walang problema sa kanya ang nasabing panahon ng panliligaw dahil naging pundasyon din umano ito ng kanilang matibay na relasyon, na kinumpirma nila noong 2018.

“A relationship is like building a house. Dapat strong ‘yung foundation niyo. Hindi strong ‘yung foundation niyo kung laro laro lang ‘yung sa umpisa. Mabilis lang din ‘yung mabubuwag. Make sure the foundation is great before you jump into anything. Kung bigla niyo lang sinagot ‘yung tao, konting yanig lang, wala na,” ani Xian.

Kwento pa ng dalawa, sa teleseryeng ‘My Binondo Girl’ noong 2011 nabuo ang kanilang chemistry.

Naging blessing in disguise pa umano na kinailangang umalis ng mga aktor na sina Jolo Revilla at Matteo Guidicelli sa naturang palabas kaya nauwi na si Xian ang naging leading guy para kay Kim.

Narito ang kabuuan ng vlog:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?