14,696

Jan 7, 2022 @ 19:52
By

Kim Chiu inalala ang ama: Nilaban niya para magkaroon ako ng cellphone

Ginawa pala lahat ng tatay ni Kim Chiu para magkaroon ng cellphone ang aktres.

Sa Instagram, naging emosyonal si Kim sa birthday greetings para sa kanyang papa William Chiu.

“Happy happy birthday papa William!!!! thank you for being our rock and for making me who I am today, for helping me achieve my goal, and for supporting me to do what I want!!!” caption ni Kim sa mga larawan kasama ang ama.

Sey ni Kim, hindi niya malilimutan ang paggawa ng paraan ng kanyang papa para mabilhan siya ng cellphone kahit wala itong budget.

“Akala ko nakalimutan niya na yung tungkol sa pangungulit ko sa knya na bilhan ako ng cellphone noon kahit alam ko di pasok sa budget niya. Pero nilaban niya parin para magkaron ako ng phone,” anang “It’s Showtime” host.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?