46

Sep 28, 2020 @ 17:53
By

Kim Chiu host na ng ‘Showtime’

Regular nang mapapanood sa noontime show na “It’s Showtime” ang actress na si Kim Chiu.

Nitong Lunes winelcome siya ng mga regular mainstay ng show na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Amy Perez, Ryan Bang at Jhong Hilario.

“Opisyal na siyang magiging host niyo araw-araw. Let’s welcome Kim Chiu. Congratulations and thank you so much for officially being a kapatid dito sa ‘Showtime’,” sambit ni Vice.

“Thank you so much. Ayaw ko na magsalita baka maiyak ako,” sagot naman ni Chiu.

Inanunsyo rin ng aktres na solid Kapamilya siya.

“Masaya ako, Kapamilya forever tayo,” wika niya.

Pinapalabas ang “It’s Showtime” sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?