705

May 22, 2019 @ 16:30
By

Kim Chiu gaganap na Sisi Rondina sa MMK

Tunay ngang nakaka-inspire ang mga pinagdaanan ni UAAP Season 81 Most Valuable Player at Athlete of the Year for Team Sports Sisi Rondina hindi lang para sa University of Santo Tomas kundi sa buong fans na sumubaybay sa kanya.

Matapos pangunahan ang koponan sa finals at tatlong kampeonato sa beach volleyball, talaga namang isa ito sa nagpaantig ng mga puso sa tapang at determination na ipinakita nito para sa USTe.

Ayon kay Rondina, isa sa mga writer ng Kapamilya show na “Maalaala Mo Kaya” ang kumontak sa kanya para itampok ang kanyang istorya.

“Kinakausap na ako ng writer. Ipi-pitch na lang nila sa director,” salaysay nito.

Sobrang tuwa ang 5-foot-6 open spiker dahil sa ganitong pagkakataon.

“OMG. OMG. I’m thankful na gusto nilang marinig ang buhay ko,” saad ni Rondina.

“Masaya kasi maraming makaalam ng buhay ko from ups and downs tapos ngayon. Sana, makaka-inspire siya. Kasi matatawag natin na minsan lang eh, pero sinwerte. ‘Yung nagdesisyon ka na hindi mo alam pero ikaw ‘yung big-time sa pagdesisyon sa gusto mo. Sana, if ever lang, makatulong and maka-inspire ‘yun (sa iba).”

Nang tanungin naman kung sino ang gusto nitong gumanap sa kanya, sumagot ito ng “Si Kim Chiu na.”

Wala pang final na anunsyo sa gagawing episode ng MMK tampok ang kwento ni Rondina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?