53

Sep 23, 2021 @ 20:13
By

Kim Chiu deboto ni Padre Pio

Ibinahagi ni Kim Chiu ang naging pagbisita niya noon sa Padre Pio Church sa San Giovanni Rotondo, Italy.

Sa Instagram post, sinabi ni Kim na deboto siya ni Padre Pio at bumisita sa sanctuary na hinandog ni St. John Paul II kay Saint Pio of Pietrelcina noong 2019.

“As a devotee, I am very grateful to hear the mass and even see his relic up close. It was a feeling I will forever treasure,” sabi ng aktres.

Pumanaw ang Italian priest noong September 23, 1968 at na-beatify ni Pope John Paul II noong 1999.

Nakilala si Padre Pio bilang tangapangalaga ng mga may sakit, sinasabing may kapangyarihan ito sa pagpapagaling at naging santo nang ma-canonize ni Pope John Paul II noong 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?