171

Oct 28, 2020 @ 18:06
By

Kim Chiu binuking sina Gerald, Julia?

Trending si Kim Chiu matapos umanong aksidenteng mabunyag ang tungkol kina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Sa October 28 episode ng “It’s Showtime”, aksidenteng nasambit ni Kim ang pangalan ni Julia habang bina-browse ang Instagram account ng ex-boyfriend niyang si Gerald.

“Yung pagbukas mo rito nandito si Julia Barretto,” sambit ni Kim.

Napagtanto ni Kim ang kanyang nasabi kaya agad siyang nag-peace sign.

Tawang-tawang naman ang mga co-host niyang sina Vice Ganda at Jhong Hilario sa pagkadulas ni Kim.

Dahil doon naging trending topics nitong Miyerkoles ng hapon si Kim.

Tanong ng ilang netizen, binuking daw ba ni Kim sina Gerald at Julia?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?