184
kim-chiu

Kim Chiu, badtrip sa nawalang luggage

Sharing is caring!

Naglabas ng inis si Kapamilya actress Kim Chiu sa Twitter hinggil sa nawawala niyang luggage.

Kinabubuwisitan ni Chiu ay ang Flair Airlines na nakabase sa Kelowna, British Columbia sa Canada.

Galing kasi sa Edmonton, Alberta si Chiu para personal na i-congratulate ang kapatid niyang si John, na isa nang piloto sa naturang bansa.

“Does anyone here knows the contact number for flair air?” sabi ni Chiu.

“Been calling them for my lost luggage, yet no one is answering… Some impt things are in the bag!!! Paid extra for the luggage too! Why oh why?!!!! Help please.”

Tinulungan siya ng kapwa Kapamilya star na si James Banaag at ibinigay ang contact number ng airline pero…

“Ilang beses nako tumawag jan, binababa yung line pag pinepress ko yung 5 customer service!”

Tumulong na rin ang ibang netizens at tinag pa ang Twitter account ng Flair Airlines pero hindi rin ito sumasagot.

Sa sumunod na tweets, sabi ni Chiu, “Customer service is OUT of order!!! Whut?!! Seriously?? @FlairAirlines.”

Sa bandang huli, nakakuha ng rescue si Chiu sa isang Philippine Airlines’ Vancouver ground staff na si Jasper.

Sa Twitter post ni Chiu noong May 20, ibinahagi niya ang video na hawak na niya ang kanyang luggage.

“Hay salamat!!! Thanks @flyPAL Vancouver ground Jasper for helping me out!!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?