113

May 11, 2021 @ 20:20
By

Kim Chiu adik sa mga bag

Nalula ang mga netizen sa koleksiyong bag ni Kim Chiu.

Ayon sa aktres, naipon sa loob ng 15 taon niya sa entertainment industry ang mga bag.

“Nahiya talaga akong ipakita ‘yung room na ito. Not naman na niyayabang or something, gusto ko lang ipakita kasi some of you requested,” sambit niya sa kanyang vlog.

Ilan sa mga bag niya ay mamahalin tulad ng Hermes, Louis Vuitton, Chanel at Gucci.

Mayroon din siyang bag mula sa Celine, Prada, Balenciaga, Bottega Veneta, Yves Saint Laurent, Goyard, Burberry, Fendi, Givenchy, Tory Burch at Christian Dior.

Nagsimula raw ang pagkahumaling ni Kim sa mga bag nang makapasok siya sa showbiz.

Kabilang sa mga bag niya ang unang Hermes Kelly bag na may hand painting ng kanyang lodi na si Heart Evangelista.

“Sa sobrang idol ko like G-mik days pa. Heart Evangelista, nalaman ko na nagdo-drawing siya sa mga Hermes bags panadrowingan ko ‘yung isa sa mga pinakauna kong Hermes bag sa kanya. Kahit ano basta na-drawing-an ng Love Marie,” sey ni Kim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,