272

Apr 9, 2018 @ 0:19
By

Kim, Barbie tinotoo ang sakitan

Magkalaban sa la­laki ang role nina Barbie Forteza at Kim Rodriguez sa coming GMA series na Inday Will Always Love You. Sa teaser ng series, may eksenang talakan at nagsabunutan ang dala­wa. Siyempre, si Derrick Monasterio ang pinag-aagawan nila na lead actor ng series.

Huling nagsama sina Barbie at Kim sa Regal movie na This Time I’ll Be Sweeter pero kapatid ni Ken Chan ang role ng huli. Wala silang eksena na magkasama.

Pero nu’ng presscon ng movie, naungkat ang one person in common nina Barbie at Kim – si Kiko Estrada. Pareho nilang naging BF ang young actor pero hindi nila ito inamin in public.

Ayon naman sa isang interview kay Kiko, hindi naman daw niya pinagsabay maging GF ang dalawa, huh!

Well, this time, magkabangga na sila dahil sa isang lalaki – si Derrick. Eh ayon sa nakasaksi ng eksenang nag-aaway sina Barbie at Kim, parang makatotoha­nan ang labanan nila, huh!

Naku, may dapat ipaliwanag sina Barbie at Kim once humarap sila sa presscon ng programa!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?