109

Jan 6, 2022 @ 18:53
By

Kim Atienza sinupalpal basher

Sinupalpal ni Kim Atienza ang basher na nagsabing wala na raw nanonood sa kanya matapos umalis sa ABS-CBN at lumipat sa GMA Network.

“Di ka kawalan. Ano na kayang nangyari kay Atom, kay Kuya Kim, may nanonood ba sa palabas nila. Hahahaha,” saad ng naturang basher.

Sinagot ito ni Atienza, “Parang meron pa naman last time I checked.”

Nagpasalamat siya sa mga fan na nagtanggol sa kanya at sa bago niyang tahanan na GMA.

“Salamat sa Diyos at sa bago kong tahanan @gmanetwork.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?