By

Kilos-protesta mas banta kesa terror threat – NCRPO

Sharing is caring!

Matapos ang marahas na dispersal ng mga nagprotestang militanteng grupo sa Maynila noong Martes, sinabi ni National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde na mas higit pang banta ang mga ito kumpara sa terror threat.

Paliwanag ni Albayalde, mas nabubuhusan nila ng puwersa ang mga kilos-protesta sa halip na bantayan nila ang mga pampublikong lugar.

Dagdag pa nito, halos wala na rin naiiwan para bantayan ang mga istasyon ng pulisya dahil kailangan ng karagdagang puwersa sa mga malalaking rally.

“Imbes na bantayan naming ang places of convergences para tiyakin ligtas ang publiko, wala na kaming ibang mabantayan,” sabi ni Albayalde.

Dahil din sa banggaan ng mga raliyista at pulis kamakalawa, dinagdagan pa ng NCRPO ng 1,000 pulis ang mga nagbantay sa mga kilos-protesta.

Nabatid na kasama sa augmentation force ay mula sa Calabarzon at PNP Special Action Force. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?