Kilo-kilong marijuana nasabat sa kotse sa Davao

Sharing is caring!

Tinatayang nagkakahalaga ng P80,000 ang nadiskubreng 13 kilong marijuana sa loob ng isang sasakyan sa ikinasang checkpoint sa Davao City nitong Miyerkoles ng madaling-araw.

Nakabalot pa ng diyaryo ang kilo-kilong marijuana na nakita sa loob ng pulang Toyota Innova sakay ang dalawang suspek.

Ayon sa ulat, galing ng Badas, Mati City, Davao Oriental ang mga suspek sakay ng nabanggit na sasakyan at plano sanang ipuslit ang marijuana sa NHA Buhangin, Davao City.

Tumanggi naman ang mga inarestong suspek na tukuyin kung kanino o saan nila nakuha ang dalang marijuana.

Samantala, walang piyansang inilaan sa dalawa dahil lumampas sa 500 gramo ang nakuha sa kanilang marijuana. Mahaharap rin sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?