49
handcuffed1
May 24, 2018 @ 14:26
By

Killer sa Pasig, arestado sa CamSur

Nahuli na kahapon ng umaga sa isinagawang follow up operation ng Pasig Police ang isang lalaki na may kasong murder na nagtago sa Ocampo, Camarines Sur.

Sa report na nakalap mula kay S/Supt. Orlando Yebra, Chief of Police ng Pasig, nahuli si Abner Querubin y Cana, 31-anyos, fruit vendor at residente ng Barangay Kilantaao, Sangay, Camarines Sur

Bandang 6:30 kahapon ng umaga sa Barangay May-Ogob, Ocampo, Camarines Sur nalambat si Querubin matapos makatanggap ng tip na umuwi sa kanilang probinsya sa Bicol ang suspek.

Nakipag-coordinate ang Pasig police sa Camsur PNP at nahuli ang suspek sa isinagawang surveillance operation.

Si Querubin ang responsable sa pagpatay sa isang babae na nilooban na at pinagsasaksak pa noong May 19, 2018 sa loob ng kanyang bahay sa Jabson St., Pinagbuhatan, Pasig City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?