killer
By

Killer ng OFW na nakita sa septik tank sa Korea nasa Pinas na – PHL embassy

Sharing is caring!

Narito na sa Pilipinas ang pangunahing suspek sa pagpatay sa overseas Filipino worker (OFW) na natagpuan sa isang septic tank sa South Korea.

Ayon kay Ambassador Raul Hernandez, sinabi ng pulisya sa South Korea na apat ang unang naging suspek sa pagpatay sa OFW pero sinentruhan na ng suspetsa sa isang Filipino na nakabalik rito sa Pilipinas.

Hindi pa aniya ibinibigay ng pulisya roon ang pangalan ng suspek, ang motibo at ang mga sirkumstansya kung bakit iyon ang pinaghinalaan.

Sa naunang report, ang OFW tinukoy na nagngangalang Michael Angelo Claveria, isang factory worker, na iniulat na nawawala mula pa noong 2016.

Naabisuhan na ang pamilya nito sa Iloilo bagaman hindi pa natatanggap ng Philippine Embassy ang full report sa DNA test na isinagawa sa bangkay ng OFW.

Ipinamamadali naman umano ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang pag-uuwi ng labi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?