536

Dec 28, 2017 @ 15:13

Killer ng mag-ina sa Cavite, sumuko

Sumuko na kanina sa pulisya ang pumatay na isang ginang at pitong taong gulang na anak nito sa General Trias, Cavite.

Ayon kay Senior Supt. William Segun, Cavite Police chief, sumuko ang suspek na si Ruel Galvan Cabatingan sa mga pulis sa Eastern Samar kaninang umaga.

Inamin ni Cabatingan na siya ang pumaslang kay Rubby Gamos at anak nito na sinakal nito hanggang sa mamatay.

Pagkatapos isagawa ang krimen, tumakas si Cabatingan sa Eastern Samar kung saan nagtago siya sa kanyang mga kamag-anakan doon.

Natagpuan ang bangkay nang mag-inang Gamos ng kanilang mga kapitbahay noong Disyembre 11.

Sabi ng pulisya, madalas umanong makita ang suspek sa bahay ng mga Gamos.

Napabalitang may relasyon diumano ang suspek sa biktima na kasal sa isang seaman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?