205

Nov 8, 2017 @ 10:43

Killer ng Grab model driver kalaboso

Nadakip na ng mga pulis ang lalaking bumaril at nakapatay sa Grab driver na si Gerardo­ Maquidato Jr., noong Oktubr­e 26 sa Pasay.

Nakilala ang suspek na si Narc Tulod Delemios, kagabi ng alas-8:30 sa Brgy. Sto. Niño, Pasay City.

Ayon kay SPO4 Allan Valdez ng Station Investigation and Detection Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, naaresto ang salarin sa magkasanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Task Force Limba­g at Pasay City Police.

Sa pagtatanong suspek, inamin nitong itinago niya Tarlac ang nawawalang Toyota Innova ng biktimang si Maguidato, 37-anyos, ng Tandang Sora, Quezon City.

Robbery at carnapping ang motibo ng pagpatay kay Maguidato.

Nauna nang nagtungo sa pulisya ang kinasakama ng suspek na si Giselle at itinurong si Narc ang pumatay sa Grab driver

Sasampahan na ng kasong murder at carnapping si Delemios sa Pasay Prosecutor’s Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?