454

Nov 6, 2017 @ 15:53

Killer ng Grab driver, natukoy na

Kinilala na ng Pasay City Police ang lalaking bumaril at nakapatay sa isang Grab partner driver na mahigit sa isang linggo na ang nakakaraang sa Pasay City.

Sa panayam kay Supt. Gene Licud ng Assistant Chief Police for Operation ng Pasay City Police, natukoy na nila ang pagkakilanlan ng suspect sa tulong ng kanyang asawa na si Giselle Delemios ,24 anyos , tubong Tarlac matapos itong lumutang Linggo ng umaga sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB).

Inamin ni Giselle, kay Supt. Licud na ginamit ng kanyang asawang si Narc Tulod Delemios (suspect) , a.k.a ,Miko/Real Nikolo Delemios, nasa hustong gulang at naninirahan sa Block 23, Lot 2 Barangay 148 Don Carlos Revilla, Narra Extension nang nasabing lungsod ang cellphone nito para mag-book ng grab.

Kuwento ni Giselle, nitong Oktubre 26 ng alas-6:00 ng gabi ay nagkita sila ng kanyang asawa sa isang lugar at nag-usap.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay hiniram ng suspect na si Narc ang cellphone ni Giselle at sinabing isasauli na lamang ito at magkikita sila sa may Five Star Terminal ng bus sa nasabing lungsod dahil uuwi umano ng Tarlac.

Bandang alas-12:00 ng hatinggabi (Oktubre 27) nagkita muli ang mag-asawa at isinauli ng suspect ang cellphone ni Giselle.

“Tapos na yun pagpatay sa grab driver nang muling magkita ang mag-asawa dahil isinauli ng suspect ang cellphone sa may Five Star Terminal sa EDSA Pasay,” ani ni Supt. Licud.

Sinabi pa ni Licud, bukod sa pagpatay sa biktimang si Gerardo Maquidato Jr, 37,anyos ng Tandang Sora, Quezon City, mayroon din standing warrant of arrest sa sala ni Paranaque Regional Trial Court (RTC) Judge Rolando G. How ng Branch 257 ng kasong “Murder” noong Pberero 3,2015.

Dagdag pa ni Licud, sa kanilang isinasagawang imbestigasyon ay tumutugma naman sa naging salaysay ni Giselle sa tulong na ibinigay ng Grab Philippines matapos magbook ang kanyang asawang si Narc.

“Sabi po ni Giselle any time today ay isusuko niya si Narc sa amin kaya naghihintay po kami at sa oras na isuko sa amin ito po ay aming ipriprisinta sa medias” dagdag pa ng opisyal.

Magugunitang pinaslang ang biktimang si Maquidato noong Oktubre 26 dakong alas 7:45 ng gabi sa harapan ng Express Payment Center sa Bonnza St. Barangay 189 Zonr 20 nang nasabing lungsod na kung saan ito itinapon ang kanyang bangkay ng hindi pa nakikilalang salarin matapos itong barilin at tangayin ang kulay silver Toyota Innova na may plakang XV-7109. (Armida Rico)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?