162

Apr 21, 2021 @ 18:05
By

Killer na nasa death row nag-request ng firing squad

Hiniling ng isang death row inmate na patayin siya sa pamamagitan ng firing squad sa halip na lethal injection.

Kung pagbibigyan ito, si Zane Michael Floyd ang magiging kauna-unahang mapapatawan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad sa Amerika mula 2020, ayon sa BBC report.

Ni-request niya at kanyang mga abogado na palitan ang injection ng putok ng baril para sa mas mabilis at hindi gaanong masakit na kamatayan.

Taong 1999 pinatay ni Floyd ang apat na katao gamit ang shotgun sa isang supermarket sa Las Vegas.

Nag-plead siya ng guilty at hinatulan ng parusang kamatayan ng sumunod na taon.

Kabilang siya sa 70 inmate na nasa death row sa Nevada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?