46

By

‘Killer lap’ ang Stage 2 – Cariño, Galedo

Sang-ayon ang mga siklistang kalahok sa Le Tour de Filipinas 2019 na ang Stage 2 ang magsisilbing ‘killer lap’ sa kabuuang five-lap 822.2 km. race na magsisimula ngayong weekend.

Si defending champion El Joshua Carino at former title holder Mark Galedo ay kapwa nagpahayag na ang 194.9km ride mula Pagbilao, Quezon hanggang Daet, Camarines Norte ay ‘killer lap’ ng Tour na pinagdiriwang ang kanilang 10th anniversary.

“Walang Baguio-to-Baguio (ngayon), kaya Stage 2 ‘yung pinaka-mahirap,” sambit ni national team member Cariño na target maging unang back-to-back champion ng Category 2.2 event na sanctioned ng International Cycling Union (UCI).

“Yung haba ng distansiya, hindi ka basta-basta babanat,” saad naman ni Galedo na bahagi ng Celeste Cycles at 2014 champion. “Dapat kakalkulahin mo kung saan ka aatake.”

Guest ang dalawang champion riders sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila kung saan ibinahagi nila ang kanilang tatahakin sa 129.50km Stage 1 sa Biyernes na gaganapin sa Tagaytay City.

Nagkomento rin si Marcelo Felipe na nanguna sa PRURide Philippines 2019 Stage Race sa Subic.

“Isa din ‘yun (Stage 2) sa mahirap. Pero kahit yung Stage 1 kasi may posibilidad na magka-iwanan din ng malaking oras diya kahit hindi ganoon katarik ‘yung ahon. Siyempre unang araw yan,” sabi ng team captain mula sa 7-Eleven Air21 Cliqq Roadbike Philippines.

Kasama ang San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), present rin sa weekly sports forum sina national team rider Reinhardt Gorantes, Go For Gold’s Daniel Ven Carino at Ismael Gorospe, Eusebio Quinones ng Celeste Cycle, 7-Eleven’s Dominic Perez at Le Tour de Filipinas Chairman Donna Lina.

Lalahok din sa torneo ang nga foreign cyclists mula China, Japan, Thailand at Kazakhstan

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?