20
kilauea-volcano

Kilauea Volcano sa Hawaii sumabog; mandatory evacuations iniutos

Sharing is caring!

Sumabog ang Kilauea Volcano sa Hawaii na nagbunsod para lumikas ang mga residente sa paligid nito.

Dumaloy ang lava sa residential area kung saan naapektuhan ang Leilani Estates, isang subdivision na nasa mababang East Rift Zone ng Kilauea Volcano, ayon sa Hawaiian Volcano Observatory.

Pinayuhan ang may 1,700 residente sa Leilani Estates at Lanipuna Gardens na mag-evacuate sa local community center.

Ang Kilauea ang isa sa mga aktibong bulkan sa buong mundo. Makikita ito sa Hawaii Volcanoes National Park.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?