2,269

By

Kilalanin: Mga misis, soon-to-be wife ng mga PBA star

Ngayong Linggo ay pinagdiriwang ang espesyal na araw para sa mga ina, at sa mundo ng PBA, hindi lamang ang mga atleta ang nagsasakripisyo para sa kanilang mga pamilya.

‘Ika nga, “Behind every successful man, there stands a woman.” Ang mga katagang ito ay pwedeng malapat sa bawat manlalaro ng liga para sa mga nagmamahal na hindi nakikita sa kamera, ngunit todo ang suporta sa kani-kanilang asawa.

Heto ang ilan sa mga misis at soon-to-be wife ng mga PBA star:

Rubie Chua-Lee

Lampas sampung taon ang hinintay ni Magnolia guard Paul Lee para pormal na maikasal sa maganda nitong maybahay na si Rubie Chua, na ngayon ay Mrs. Lee na.

Binansagan mang ‘Angas ng Tondo’, paniguradong magiging maamo si Lee, na ang kaarawan ay sakto sa Araw ng mga Puso, sa kanyang Fil-Chinese wife na ikinasal noong Nobyembre 2016.

Noong Oktubre 2018 lang ay isinilang ni Rubie ang kanilang panganay ni Paul na kanilang pinangalanang Tokyo, na ipinangalan sa paboritong lugar ng mag-asawa sa Japan.

Jehza Huelar

Maswerte sa isa’t isa si Magnolia veteran PJ Simon at kanyang fiancée na si Jehza Huelar na kapwang namamayagpag sa kani-kanilang karera.

Sa 15-taon ni Simon sa PBA, nasungkit niya ang walong kampeonato, habang si Huelar naman ang isa sa naging pinakamagandang dilag sa 2018 Binibining Pilipinas pageant matapos koronahang Bb. Pilipinas Supranational.

Nang maitanong ng Abante si Simon noong magwagi ito sa three-point shootout noong 2019 PBA All-Star, sinabi nitong gagamitin nila ang cash prize na P30,000 para sa kanilang kasal.

“Para sa kasal, dagdag para sa kasal,” ayon sa kanya.

Michela Cazzola

Si James Yap ang isa sa tinuturing na ‘Face of the PBA’. At sa angking kagisigan ng Rain or Shine star, hindi malabong makabighani ito ng isang Italian beauty.

Noong 2013 ay isinapubliko ni Yap ang kanilang relasyon ni Michela Cazzola, mula Italy ngunit nagtrabaho para sa isang bangko sa Pilipinas.

Nagbunga ang kanilang pag-iibigan ng dalawang supling, ang kanilang panganay na si Michael James, at ang bunso na ipinanganak noon lang nakaraang taon na si Francesca Michelle.

View this post on Instagram

Happy 9th month, our adored princess!!! ❤️🍃

A post shared by Mic (@michelacazzola) on

Danica Sotto-Pingris

Kung mapupunta sa mga venue ng PBA, paniguradong lagi niyong makikita ang maybahay ni Magnolia forward/center Marc Pingris na si Danica.

Si Danica marahil ang pinakasikat sa listahan, anak ng Eat Bulaga longtime host na si Vic Sotto at naging artista rin para sa Kapuso network.

Noong Marso 3 ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ika-12th anniversary, patunay sa matatag nilang samahan.

Sa ngayon, may dalawang anak na ang mag-asawa, ito ay sina Jean Michael at Anielle Micaela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?