1,167

Mar 27, 2019 @ 19:02
By

Kilalanin: Dyosang dyowa ng anak ni Pacquiao

Kinumpirma ni Jimuel, panganay na anak ni Senador Manny Pacquiao, ang kaniyang relasyon sa isang dating house sa ‘Bahay ni Kuya’.

Sa panayam sa ABS-CBN, buong giting na inamin ni Jimuel na kanya niyang dyowa ang aktres na si Heaven Peralejo.

“Gusto lang po namin maging tapat kasi marami na pong nagtatanong,” ayon kay Jimuel.

Ikinuwento naman ni Heaven kung papaano nagsimula ang pagkakamabutihan nila ni Jimuel.

“Two years ago, nasa Greenbelt lang kami ni mom for shopping, tapos biglang he saw us, ‘yung family niya, ‘yung mga pinsan niya tapos nagpa-picture sila,” ayon kay Heaven.

“Tapos one year later parang nag-meet ulit kami, same place tapos coincidence, same month,” aniya pa.

Si Heaven ay sumali dati sa Pinoy Big Brother 7 kung saan matapos nito ay naging young actress ng ABS-CBN.

View this post on Instagram

@apartment8clothing

A post shared by Heaven Lyan Salvador Peralejo (@heavenperalejo) on

View this post on Instagram

@apartment8clothing

A post shared by Heaven Lyan Salvador Peralejo (@heavenperalejo) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?