By

Kilabot na pusher kalaboso sa 10 sachet ng shabu

Sharing is caring!

Arestado ang isang tulak ng shabu sa lungsod ng Caloocan matapos mahulihan ng sampung sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Nakilala ang suspek na si Ernesto Pascual Alyas Nestor, 33 anyos na residente ng Balong Bato, Barangay Unang Sigaw, Lungsod ng Quezon.

Dinakip siya ng mga pulis alas-4:30 ng hapon sa kahabaan ng Reparo Road, Barangay 181 Caloocan City.

Bago ang pagdakip, nakatanggap ang mga pulis ng impormasyon na magbebenta ng shabu ang suspek sa Reparo Road.

Agad na nag-abang ang mga pulis subalit nang maulinigan ng suspek ang mga ito, agad itong kumuripas ng takbo.

Matapos ang ilang minutong habulan, nasukol ang suspek at nang kapkapan, narekober sa kanyang bunsa ang 10 sachet na naglalaman diumano ng shabu.

Nakatakdang kasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?