41

Sep 26, 2017 @ 14:31

Kilabot na holdaper tiklo

Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga kagawad ng Makati City Police, naaresto ang isang kilabot na holdaper matapos mambiktima sa isang pampasaherong aircon bus kamakalawa ng gabi sa lungsod.

Kinilala ni Senior Supt. Jerry Umayao, hepe ng Makati City Police ang nadakip na suspek na si Edgar Lawde y Gonzales, 44 anyos, nakatira sa no.68 Big Fair, Barangay Malinao, Pasig City.

Base sa salaysay ng biktimang si John Percival Calara, 33 anyos, ng Pitogo Makati City, habang nakasakay siya ng Fermina Bus na may plakang 682 dakong alas 10:20 ng gabi malapit sa Estrella, footbridge Southbound, nang tabihan siya ng suspek sa upuan ay tinutukan ito ng patalim at sabay na nagdeklara ng holdap.

Kinuha umano ng suspet ang itim na pouch ng biktima na naglalaman ng pera sa bulsa at nang makuha na nito ay agad na bumaba ng bus.

Gayunman, agad na sinundan ng biktima ang suspect at tiyempo namang mayroong mga nagpapaturulya pulis sa naturang lugar na kung saan agad naman nakahingi ng saklolo si Percival na nagresulta ng pagkakaaresto ng huli.

Nabawi naman mula kay Lawde ang kinuhang pouch mula sa biktima at ang patalim na ginamit sa panghoholdap.

Agad naman dinala sa nasabing himpilan ng pulisya ang suspek upang sampahan ng kasong robbery holdap at illegal possession of deadly weapon laban dito.(Armida D. Rico)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?