379

Oct 8, 2021 @ 8:06

Kiko walang suporta ng pamilya sa pagtakbong VP

Mistulang iniwan sa ere si Senador Kiko Pangilinan sa kanyang laban sa pagka-Bise Presidente dahil wala itong kapamilyang makakasama sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Election (Comelec) sa huling araw ng filing.

Ang misis ni Kiko na si Megastar Sharon Cuneta ay nagliliwaliw ngayon sa Amerika.

Nasa US rin ang panganay na anak ng mag-asawa na si Kakie kung saan ito nag-aaral.

Ang eksena ni Pangilinan ay malayo sa ibang naunang nag-file ng kandidatura na mga politiko na suportado ng kanilang mga mahal sa buhay.

Tsika tuloy ng ilang nagulantang sa desisyon ni Kiko na sumabak na VP ay mukhang hindi ito suportado ng pamilya kaya nagpakalayo-layo ang mga ito.

Kaya sa paghahain ni Kiko ng COC ngayong alas -9:00 ng umaga ay abangers ang netizens kung sino ang kanyang karay-karay lalo’t wala sa ‘Pinas ang kanyang misis at panganay na anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?