866

Oct 14, 2021 @ 15:17
By

Kiko sa pagbangga kay Sotto: ‘Hindi madali itong sitwasyon’

Aminado si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na mahirap ang sitwasyon ngayon lalo na’t ang makakalaban sa vice presidential race ang malapit nitong kamag-anak na si Senate President Vicente Sotto III.

“Siyempre, hindi madali itong sitwasyon gaya ng sinabi at na-post ni Sharon but I guess lahat naman ng pamilya mayroon talagang mga hindi pagkakasundo, may mga tampuhan, may hidwaan,” pahayag ni Pangilinan sa panayam sa CNN Philippines.

Subalit anuman aniya ang kahihinatnan ng resulta ng halalan, umaasa si Pangilinan na magkakaroon ng kapatawaran at pagkakasundo.

“I’m hoping, Sharon and I have prayed about it also, na in the end, there will be like all other families that go through rifts, may mga family rifts,” sabi ni Pangilinan, asawa ng Megastar na si Sharon Cuneta.

“I hope that there will be forgiveness and reconciliation for the hurts that may have been caused,” dagdag pa nito.

Ang ina ni Sharon ay kapatid ng maybahay ni Sotto na si Helen Gamboa-Sotto.

Bago maghayag ng kanyang pagtakbo sa pagka-bise presidente, sinabi ni Pangilinan na tinawagan niya si Sotto para ipaalam ang kanyang plano.

“I informed him and explained that this was the request of the vice president and hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari,” ani Pangilinan.

“Sabi niya, ganyan talaga, nangyayari ‘yan and I appreciate that, ‘no. There was a recognition that these things happen even though he prefer a different set of circumstances,” saad pa nito.

Si Pangilinan ay running mate ni Vice President Leni Robredo habang si Sotto ay ka-tandem Senador Panfilo Lacson para sa eleksyon 2022. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?