51
ABANTE-TNT sharon cuneta kiko pangilinan birthday
By

Kiko sa 52nd birthday ni Sharon: Our love for one another, will conquer all

Sharing is caring!

Inilarawan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na extra special ang pagdiriwang ng ika-52 kaarawan ng asawang si Megastar Sharon Cuneta.

Sa kanyang Instagram at Twitter posts, binati ni Pangilinan ang asawa at kinumpirma na ang kaarawan nito ay nababalot ng mga pagsubok, kabiguan at sakit.

“Happy birthday to my sweetheart of nearly 24 years! This birthday is extra special because it comes at a time when after a period of setbacks, heartaches, pain, after a truly challenging period you have not just survived but have triumphed,” saad ni Pangilinan.

Ipinahayag din ng mambabatas ang kanyang pagmamalaki sa asawa makaraan ang mga pagsubok anyang pinagdaanan nito.

“I am so proud of you and what you have accomplished knowing the countless treacherous mountains you had to climb and the many horrible dragons you had to slay to do so,” giit pa ng senador.

Hiling din ng senaor ang magandang kalusugan para sa asawa at umaasa siyang malalagpasan ng kailang pagmamahalan ang lahat ng pagsubok.

“I know everlasting love is not easy and yet here we are still committed to try with all our hearts to make it happen and doing so one day at a time. With God’s grace, love, our love for one another, will conquer all,” pahayag pa nito.

Nangako rin ang mambatatas ng patuloy na suporta sa aktres.

“I will always be here for you cheering you on. Finding ways, day in and day out, to look out for you, to care for you, to make things right with and for you and to love you, dearly, truly, wholeheartedly now, always, forever,” dagdag pa nito.

Noong nakalipas na taon ay umugong ang paghihiwalay ng dalawa. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }