28

Sep 10, 2021 @ 15:18
By

Kiko pinapalihis ang tukayo

Kung mayroon mang dalangin ngayon si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan, ito ay ang lumihis ang landas ng kanyang tukayo, ang bagyong ‘Kiko.’

“Dasal kong lumihis ang #KikoPH. Ingat po tayong lahat,” saad sa tweet ni Pangilinan ngayong Biyernes.

Sa huling abiso ng PAGASA, itinaas ang signal number 3 sa Babuyan Islands at timog na bahagi ng Batanes dahil sa bagyong ‘Kiko.’

Ang natitirang bahagi ng nasabing probinsya, kasama ng ilang bahagi ng Cagayan, Isabela at Apayao naman ay nasa signal number 2.

Huling namataan si ‘Kiko’ sa layong190km silangan ng Tuguegarao City. May maximum sustained winds itong aabot sa 195kph at gustiness na 240kph.

Kumikilos din ito sa bilis na 20 kph.

Inaasahan ng PAGASA na mag-landfall ang bagyo sa Cagayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?