240

Jun 14, 2020 @ 21:34
By

Kiko Pangilinan suportado si Frankie vs Ben Tulfo

Nakikita ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang kanyang sarili sa anak na si Frankie, na ngayon ay pinag-uusapan sa pakikipagsagutan sa TV host na si Ben Tulfo.

Nag-ugat ang bangayan nina Ben at Frankie matapos na mag-react ang huli sa umano’y ‘advice’ ng Lucban, Quezon police station na huwag magsuot ng maiiksi ang mga babae para hindi mahalay.

“Stop teaching girls how to dress?? Teach people not to rape,” ayon kay Frankie sa isang tweet.

Hindi naman nagustuhan ni Ben ang nasabing tweet ni Frankie at bumanat na kapag nakakita ng oportunidad ang rapist ay susunggabin talaga ito, at tinawag pang ‘hija’ ang anak ni Kiko.

“Hija, a rapist or a juvenile sex offender’s desire to commit a crime will always be there. All they need is an opportunity, when to commit the crime. Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast,” giit ni Ben.

Nagsimula na sa pagpapatama si Frankie kay Ben, at napasimulan ang hashtag na #HijaAko para maipakita ang pag-ayaw ng kababaihan sa victim blaming.

Ayon naman kay Kiko, naiintindihan na niya ang kanyang tatay noong siya naman ang aktibista sa UP Diliman noong nag-aaral pa ito.

“Pasensya na Daddy, ikaw din ang nagturo sa akin na mahalaga ang pagiging lider nung bata pa ako,” ayon kay Pangilinan.

“Go ahead then, Frankie. As my Father, your Lolo Dony, sought to understand what I did then despite the risks, so it is with me and you,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?