1,329

By

Kiko mas absenero kay Pacman sa Senado

Mas marami ang naging pagliban ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan kaysa kay Senator Manny Pacquiao habang 7 senador ang naka-perfect attendance sa 3rd regular session ng 17th Congress.

Role model sina Senate President Vicente Sotto III, Majority leader Juan Miguel Zubiri, Minority leader Franklin M. Drilon, Senators Panfilo Lacson, Gregorio Honasan, Joel Villanueva, at Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagdalo sa lahat ng 61 plenary sessions mula July 23, 2018 hanggang June 4, 2019.

Napanatili nina Sotto at Lacson ang perfect attendance sa kabuuan ng 17th Congress.

Sina Pimentel at Zubiri ay kumpleto rin ang attendance sa 2nd regular session mula July 24, 2017 hanggang May 30, 2018.

Maituturing na malinis ang attendance nila Sotto, Honasan, Lacson at Zubiri dahil wala silang late o mga pagkakataon na dumating sa session hall nang tapos na ang roll call.

Naitalang may isang absent si Senator Nancy Binay ngunit ito ay dahil sa kaniyang official mission.

Tigtatatlong absent naman ang naitala kina Senators Win Gatchalian, Ejercito, at Cynthia Villar habang sina Risa Hontiveros at Antonio Trillanes IV ay may tig-apat na absent o dumalo sa session ng 57 days.

56 session days naman ang ipinasok nina Sonny Angara, Grace Poe, at Loren Legarda habang 55 session days ang ipinasok nina Ralph Recto at Chiz Escudero.

54 sessions naman ang naitalang dinaluhan ni Richard Gordon habang 50 sessions naman ang kay Bam Aquino.

Zero naman ang attendance ni Leila de Lima dahil sa kaniyang pagkakakulong.

Samantala pilit tinutupad naman ni Senador Manny Pacquiao ang kaniyang pangako na magfofocus sa kaniyang trabaho sa Senado. 49 sessions ang nadaluhan ni Pacquiao kung saan ay mayroon siyang 12 absent habang 47 sessions naman ang pinasukan ni Francis “Kiko” Pangilinan, 14 na session ang hindi niya nadaluhan kung saan 12 sa mga ito ay nasa official mission siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?