By

Kiko kay Duterte: Sumandal ka sa mga Pilipino, ‘di sa China

Sharing is caring!

Kinuwestiyon ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang pagsandal ni Pangulong Duterte sa suporta ng China para manatili sa kapangyarihan.

Ayon sa senador, ang suporta ng sambayanang Filipino ang dapat na asahan ng Pangulo at hindi ang pader ng China.

Sa isang talumpati, sinabi ni Duterte na ginarantiyahan ni Chinese President Xi Jinping na hindi siya mapatatalsik sa pwesto.

“Ito ba ang kapalit ng kanyang pananahimik sa West Philippine Sea at ang pagkiling ng gobyerno sa mga utang galing China kahit na napakalaking interest ng pautang na ito kumpara sa Japan o South Korea?” ani Pangilinan.

“Sariling interest ba niya o interest ng 100 milyong Filipino ang inuuna niya sa pagsandal sa China? Dapat sa mamamayang Pilipino siya umaa at nakasandal,” dagdag nito.

Hindi naman naniniwala si Senador Antonio Trillanes IV na may ganung pangako si Xi Jinping dahil alam daw nito ang hangganan ng kapangyarihan at wala rin namang nagtatangkang patalsikin si Duterte.

“Duterte’s statement betrays his paranoia about the state of affairs in his own country. No one is trying to kick him out; he is doing the destabilizing all by himself,” dagdag ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?