120

Nov 9, 2017 @ 15:33
By

Kiko: Ituro ang Konstitusyon sa Grade 12

Isinusulong ngayon ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na maging bahagi ng pagtuturo sa Grade 12 o senior high school ang umiiral na 1987 Konstitusyon.

Inihain nito ang Senate Bill no. 1610 o ang Constitutional Education Act kung saan layon na isabatas ang integrasyon ng Konstitusyon sa senior high school curriculum ng lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan.

Ayon sa senador, mahalagang maunawaan ng mga kabataan ang Konstitusyon habang maaga upang higit nilang pahalagahan ang tinatamasa ngayong demokrasya at mga karapatan.

“When enacted into law, this bill will empower young Filipinos with the knowledge of the most fundamental law of the land, which defines their rights, duties and values,” ayon kay Pangilinan.

Makakatulong din umano ito upang matuto ang mga kabataan na pahalagahan ang paggalang sa mga karapatang pantao at matutututo ring humingi ng transparency at accountability sa mga nasa gobyerno.

“This allows them to become informed citizens who take active participation in the affairs of the State and provides them with a deeper appreciation of our democracy,” dagdag ng senador.

Kapag naisabatas, maglalatag ng Constitutional Education course ang Department of Education (DepEd), mga constitutional commission at mga konstitusyonalista mula sa malalaking unibersidad at kolehiyo. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?