340
Kiko humiling ng ’ceasefire’ sa awayang Kris-Erice
By

Mister ni Mega, humiling ng ‘ceasefire’ sa bangayang Kris-Erice

Inilagay na sa kanyang Instagram archived ni actress Kris Aquino ang patama nito sa “panlalaglag” umano ni Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice sa kuya niyang si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ani Kris, ginawa niya ito dahil pinakiusapan siya ni Senador Kiko Pangilinan na mag-“ceasefire” kontra Erice.

“I archived my other post not because i don’t stand by everything i said, but because ma respeto akong pinakiusapan ni @kiko.pangilinan ng “ceasefire.” Please know this about me, when i have seen a person is GENUINE, madali akong kausap, kaya kong magbigay,” saad ni Kris.

View this post on Instagram

i archived my other post not because i don’t stand by everything i said, but because ma respeto akong pinakiusapan ni @kiko.pangilinan ng “ceasefire.” Please know this about me, when i have seen a person is GENUINE, madali akong kausap, kaya kong magbigay. Bunso akong nasaktan dahil sa nabasa ko: inapakan ang pagkatao ng kapatid ko, na nanatiling tapat sa taong paniwala syang totoong kaibigan nya. Nung nilaglag sya ng ganun ganun lang- pumalag ako. Pero mag react man ako, mabubura ba nun yung sugat sa puso ni Noy na alam kong sa pagkatao nya- never tayong makakabalita ng kahit anong sama ng loob? baka mas lalo pa syang masaktan dahil alam nyang kaming mga kapatid nya nadurog ang puso para sa kanya. umiikot naman ang mundo. i accompanied this post w/ a few selfies from a couple of nights ago because i was checking on my neck & eyes because of my health issues. Walang filter, walang inayos, yung swollen lymph nodes in my neck, yung face na lubog na sinusubukang itago sa inyo- nilabas na lang. Kasi ayokong mabuhay na niloloko kayo at ang sarili ko. Yun ang kaya kong panghawakan- NEVER KONG binlame sa iba ang mga pagkadapa at pagkatalo ko.

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

Dagdag pa ni Kris, pumalag siya dahil inapakan ang pagkatao ng kapatid niya na nanatiling tapat sa taong paniwalang totoong kaibigan niya.

“Bunso akong nasaktan dahil sa nabasa ko: inapakan ang pagkatao ng kapatid ko, na nanatiling tapat sa taong paniwala syang totoong kaibigan nya. Nung nilaglag sya ng ganun ganun lang, pumalag ako,” ani Kris.

Nag-ugat ang inis ni Kris sa pahayag ni Erice kung bakit nagpalit ng campaign color si Mar Roxas mula sa dating kulay dilaw tungo sa asul.

“It was a conscious decision because one mistake made in 2016 was acting like Robin to [Aquino’s] Batman … and Robin will never be Batman,” saad ni Erice.

Hindi ito pinalagpas ni Kris at sumagot ng, “Really – to blame his loss on my brother? So pati ba pagkatalo sa 2010 kasalanan din ni Noy?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?