84
calida
By

Kiko, Hontiveros umaasa pang sisibakin ni Duterte si Calida

Umaasa pa sina Senador Francis “Kiko” Pangilinan at Senadora Risa Hontiveros na makukumbinsi si Pangulong Duterte na sibakin at pakasuhan si Solicitor General Jose Calida.

Ito’y kahit ipinagtanggol na ng pangulo si Calida kung saan sinabi pa niyang ginagawa lang nito ng mahusay ang kanyang trabaho at walang masama kung may negosyo.

Ayon kay Pangilinan, maari pang makita ng pangulo na negatibo sa kaniyang administrasyon ang pananatili ni Calida sa pwesto.

“Baka naman magbago pa ang isip nya dahil nakasasama sa imahen at anti-corruption campaign ng administrasyon ang mga paratang laban kay Calida,” ayon dito.

Sinabi naman ni Hontiveros na hamon pa rin sa pangulo na patunayan sa kaso ni Calida ang pangako na wala itong sasantuhin at walang sisinuhin kapag may katiwalian at pag abuso.

Iginiit ng senadora na lumabag si Calida sa mga batas laban sa katiwalian at pag-abuso batay sa impormasyong nakakorner ang security agency ng pamilya nito ng mga kontrata sa ibat ibang ahensya ng gobyerno na nagkakahalga ng P261 milyon.

Huling huli na aniya si Calida dahil umamin na hindi nito binitiwan ang 60 porsiyentong sosyo sa security agency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?