8

Jul 15, 2020 @ 14:40
By

Kiko handang magbitiw bilang chair ng committee on constitutional amendments

Handang bumaba si Senador Francis “Kiko” Pangilinan bilang chairman ng committee on constitutional amendments and revision of codes kung iyon aniya ang magiging pasya ng liderato.

Ginawa ni Pangilinan ang pahayag matapos palutangin sa social media ang @OustKiko bilang chairman ng nasabing komite.

“Handa naman akong magbitiw bilang chair kung ito ang pasya ng liderato ng Senado pero hindi dahil sa online ‘clamor’ ng mga bayarang trolls,” reaksiyon nito.

“Dagdag pa dito sa totoo lang yung mga nagmumungkahi na chacha (charter change) ang solusyon sa Covid ay mukhang galing sa ibang planeta o kaya ‘out of this world’,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na wala naman siyang naulinigan na papalitan si Pangilinan bilang chair ng nasabing komite.

“I’m the SP (Senate President) and I have never heard of such. Mabuti pa sila, dami nilang alam,” pahayag ni Sotto sa kanyang text message sa mga reporter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?