460

Jun 28, 2020 @ 21:12
By

Kiko ginamit kasikatan ni Sharon! Topacio bumwelta kay Frankie

Nagpatutsada si Atty. Ferdinand Topacio matapos mabasa ang notes ni Frankie Pangilinan tungkol kay yumaong dating Chief Justice Renato Corona.

Sa tweet ni Frankie, kanyang sinariwa ang kanyang notes noong siya’y 11-anyos pa lamang noong impeachment trial ni Corona.

Sa nasabing note, tinawag ni Frankie na sinungaling at hindi inosente ang dating chief justice.

Hindi ito nagustuhan ni Topacio, at binanatan si Frankie na sinabing hindi mananalong kapitan ang ama nito na si Senador Kiko Pangilinan kundi dahil sa kasikatan ng kanyang ina na si Sharon Cuneta.

“Sen Pangilinan is a lousy lawyer who couldn’t even win as kapitan till he married your mom and exploited her popularity,” giit ni Topacio.

Aniya pa, kung 12-anyos lang siya ay kanya nang sinampal si Frankie dahil sa hindi pagrespeto kay Corona, na tinuturing nitong ‘great man’.

Hinamon din ni Topacio si Megastar na kasuhan siya dahil malapit naman ito kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

“Ate Shawie, since the SOJ is your friend, SUE ME, BRING IT ON!” hamon ni Topacio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?