88

By

Kiko, Gil nakakatakam ang ‘pandesal war’

Sharing is caring!

Naglalaway-laway ang mga follower nina Kiko Estrada at Gil Cuerva nang mag-post ang una ng litrato nilang dalawa sa kanyang Instagram na nakahubad, huh!

Caption ni Kiko, ‘Gang war’. Si Gil naman ay, ‘We slay’.

Kaya ang mga fan, super react sa photo na ‘yon ng dalawa.

“Hot yummy.” – @haroldgalario.

“Dalawang pandesal sa umaga check.” – @bea_chel.

“I can’t breathe, “ @oninsantos0718.

Magkasama sina Kiko at Gil sa GMA morning series na My Guitar Princess. Magkaribal sila sa bidang si Julie Anne San Jose.

Mas magaling mang umarte si Kiko kumpara kay Gil, pero kering-keri naman niyang makipagsabayan sa ‘pandesal war’ nila ni Kiko, huh!

Speaking of Kiko, saludo ang marami sa acting niya sa Regal movie na Walwal. May kilig factor din ang tandem nila ni Devon, huh!

Anyway congrats sa cast and staff ng Walwal dahil tumabo ito ng P4M sa opening daw nito nu’ng Miyeroles, huh! ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?