66

By

Kiko Estrada super benta sa mga babae, bading

Sharing is caring!

Naging in-demand na showbiz hunk na si Kiko Estrada dahil sa sunod-sunod na mga projects nito sa TV at pelikula. Kunsabagay, ang dami rin talagang naghahabol sa kanya ngayon na mga babae at kabadingan na mga fan.

Anyway, huling napanood si Kiko sa pelikulang My Fairy Tail Love Story at kasalukuyang ginagawa niya ang pelikulang Walwal under Regal Entertainment.

Endorser rin si Kiko ng underwear brand na Bench. Ngayon ay makaka-partner pa ni Kiko si Julie Anne San Jose sa bagong rom-com musical teleserye ng GMA-7 na My Guitar Princess.

Last teleserye ni Kiko ay ang Mulawin Vs. Ravena kunsaan gumanap siyang kontrabida. Sa My Guitar Princess ay romantic leading man siya together with Gil Cuerva.

Gusto nga ng aktor na maging versatile actor siya—puwedeng bida at puwedeng kontrabida. At pinahayag niya ang excitement niyang makatrabaho si Julie Anne San Jose.

“It’s versatility over everything. Adapt or die. So yeah, I like to show my range and I like to show I can play anything. I think that’s the basic want of all actors.

“It’s gonna be the first teleserye na me and Julie Anne San Jose are gonna work together. So, it’s very exciting so yeah I was happy to see her noong meet and greet and yeah it was so fun kasi ang tagal ko nang gustong makatrabaho si Julie and of course Gil Cuerva,” sabi pa ni Kiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?