21

By

Kiko at Devon ayaw pa ring umamin sa real score sa relasyon

Sharing is caring!

Hanggang ngayon ay wala pa ring inaamin sina Kiko Estrada at Devon Seron sa tunay nilang relasyon.

At kung tatanungin naman ang dalawa ay tikom ang kanilang bibig sa intrigang nagkakamabutihan na sila. True rin kaya ang tsikang malaki ang naging impluwensiya ni Kiko kay Devon para lumipat ng mother network ang young actress?
Nagsimula si Devon bilang ex-PBB housemate na ka-batch si James Reid. At nang magsama sa pelikula sina Kiko at Devon sa “Pwera Usog,” doon na raw nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Mas lalo raw naging close ang dalawa nang lumipat si Devon sa GMA-7 last April. Muli ay nagsama sina Kiko at Devon sa movie na “Walwal” at nabuo na umano ang pagmamahalan sa pagitan nila.

Sa mga panayam kay Devon, wala man siyang direktahang pag-amin sa real score sa kanila ni Kiko, nagpahaging naman ito na may nagpapangiti na raw sa kanya ngayon na isa raw showbiz guy na hindi niya pinangalanan.

Kahit naman daw ilihim ng dalawa ang kanilang relasyon ay hindi pa rin sila nakatatakas sa mapanuring mata ng masa.

Madalas umano na nakikita sa lakaran ang dalawa pag walang shooting o taping si Kiko na busy ngayon sa mga show sa Kapuso Network habang si Devon ay waiting pa rin sa proyekto niya sa Siyete.

Nakikita rin na magkahawak kamay sila sa compound ng GMA-7. At kung si Kiko naman ang tatanungin, nasa getting to know stage pa rin daw sila ni Devon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?