23

Nov 18, 2020 @ 11:38
By

Kikitain ni Pacquiao sa Globe bibigay sa mga typhoon victim

Nangako si Senador Manny Pacquiao na ido-donate niya ang matatanggap na bayad bilang brand ambassador ng Globe sa mga sinalanta ng mga Bagyong Rolly at Ulysses.

“I am given another God-given opportunity to be of help to our kababayans in any way I can. That is why my endorsement fee for this will go to relief efforts to help our kababayans who were affected by the devastation of typhoons Rolly and Ulysses,” banggit ng senador sa isang press release.

“Ibibigay natin sa mga taong ito ang ating income dito, ibabalik natin sa taumbayan para makatulong ng malaki sa ating mga kababayan na naghihirap at nagugutom ngayon at nawalan ng tahanan. Sama sama tayong babangon, that is my commitment,” dagdag niya.

Naganap ang contract signing sa pagitan ng Globe (Globe President-CEO Ernest Cu at Globe Chairman at Ayala Corp. Chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala) at ng twelve-time, eight-division world champion bilang kanilang brand ambassador sa Mireio, Raffles Hotel sa Makati. Ni-live stream ito sa Facebook kagabi.

Dahil sa nasabing partnership sa Globe, mapapanood na ng mga Pinoy worldwide ang mga paparating na laban ng People’s Champ live via UPSTREAM at GMovies.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?